Andre Ramirez Gutierrez

Manunulat


Publikasyon

Mga Kapirasong Alinlangan

ORDER PRINT | READ ONLINE | DOWNLOAD

“Nakasusugat ang kakaibang talim at pambihirang talas ng pandama ng Mga Kapirasong Alinlangan ni Andre. Umuunday sa diwa ang indayog ng mga salita. Nagmamarka ang saksak ng bawat kataga. Dumadanak na parang dugo ang rekwerdo. Sa kaniyang mga tula, laging buhay ang mga sandali. Tunay na dalubhasa sa sining ng pagtula.”

– Lance Dayrit, Manunulat

“Normál sa tao ang mag-alaga ng kapirasong alinlangan, mabisa itong bantay sa bahay-gunita upang kahit papaano ay mayroong pangontra sa badyang pagnakaw ng ating pag-iingat. Ganito ko nakikita ang koleksyon ni Andre. Hindi lámang tula ang mga tula, bagkus mga paalalang binihisang maganda ng makata.”

– Edbert Darwin Casten, Makata