Pakilala
Kasalukuyang mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman si Andre Ramirez Gutierrez. Naging fellow siya para sa tula sa 2nd Cavite Young Writers Workshop, 7th Angono National Writers Workshop, at Palihang LIRA 2018 at 2020. Nailathala na ang kaniyang mga akda sa Liwayway Magazine, Novice Magazine, Katitikan: Literary Journal of the Philippine South, Dx Machina 4 (Likhaan: UP ICW, 2021), Sahaya (Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, 2021), Lakbay: Mga Tulang Lagalag (7 Eyes Productions, OPC, 2020), at Lóngos (CYWA, 2019). Nagwagi na rin ang kaniyang mga tula sa unang round ng Life UPdates (Marso 2022) ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing, at Sahaya: Timpalak Pampanitikan (STP) 2021 ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman. Miyembro siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), Cavite Young Writers Association (CYWA), at Kalasag UP Diliman.