Andre Ramirez Gutierrez

Manunulat


Pakilala

Nagtapos si ANDRE RAMIREZ GUTIERREZ ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino at kasalukuyang kumukuha ng MA Asian Studies sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nalathala na ang kaniyang mga tula sa Liwayway, Dx Machina, UP Sentro ng Wikang Filipino, Kalasag, Katitikan, Lakbay, 8Letters, at iba pa. Nagawaran na siya ng gantimpala sa Talaang Ginto: Makata ng Taon 2024 ng Komisyon sa Wikang Filipino, Life UPdates 2022 ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing, at Sahaya: Timpalak Pampanitikan 2021. Naging fellow na rin siya sa iba’t ibang pampanitikang palihan gaya ng 4th Saling Panitik, 2nd Cavite Young Writers Workshop, 7th Angono National Writers Workshop, at Palihang LIRA. Mababasa ang iba pa niyang akda sa www.andrergutierrez.com.